MGA KAAWA-AAWANG PILIPINO
Alam ninyo ba kung bakit naghihirap ang mga tao dito sa Pilipinas ? Bakit kaya ?
Ang kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga pagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa sa ibang mga tao sa loob ng lipunan o bansa. Sa panahon ngayon may marami ng mga tao ang naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho at dumadami na rin ang ating populasyon kaya tayong mga Pilipino ay naghihirap. Ang kahirapan ay isa sa problema ng ating bansa dahil unting-unting dumadami ang populasyon. Hindi naman tayo maghihirap kung ang mga Pilipino ay nag-aaral ng mabuti at nagtyatyagang maghanap ng trabaho. Marami ding mga bata sa ating bansa ay hindi nag-aaral dahil sa kawalan ng pera at kawalan ng pagkain. Naghihirap din ang mga tao dahil sa kawalan ng trabaho kaya ang iba ay nakatira nalang sa lansangan ulang sila ay makapanglimos upang may makain araw-araw. Ang ibang mga bata din ay nagpapalimos sa kalye minsan naghahanap nalang sila ng trabaho kahit bata pa sila magulang may makain lang sila. Ang mga bata din ngayon ay hindi na nag-aaral dahil sa kahirapan ang iba ay kumakapit sa patalim at ang iba ay nalulung sa bisyo gaya ng droga, pag-iinom ng alak, paninigarilyo at iba pa. Minsan ang iba ay nagtutulak nalang ng droga upang may makain sila araw-araw ang iba naman ay nagnanakaw at naghahahanap ng trabaho kahit bata pa sila, kaya hindi nalang sila nag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya. Ang iba kahit nahihirapan na ang kanilang magulang sa paghahanap ng trabaho,ang kanilang anak naman ay hindi nag-aaral ng mabuti nagpalaboy-laboy lang sila sa kalsada at hindi tumutulong sa kanilang pamilya. Ako ay naawa na sa lahat ng magulang kahit malayo man sila sa piling ng kanilang mga anak, kakayanin lang nila kahit mahirap para lang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Gaya ko ang aking ina ay wala sa aming piling dahil naghahanap siya ng trabaho upang kaming apat na magkakapatid ay makapagtapos ng pag-aaral. Kaya ngayon nag-aaral kami ng mabuti para makaahon kami sa kahirapan at para di makapiling na namun ang aming ina kasi gusto namin na hindi na siya malayo sa aming piling. Kami ay mahirap lang kasi nang uupa kami ng bahay dahil wala kaming sariling bahay at ang trabaho lng ng aking ama ay habal-habal driver, ang kanyang naipong pera ay kulang lang sa aming mga gastusin araw-araw kaya yung ina ko ay nagtratrabaho nalang sa Syudad. Kaya ngayon kaming magkakapatid ay nagpupursiging mag-aral upang kami ay hindi na maghirap at para din makatulong kami sa aming mga magulang. Alam ko ang pamana ng aking magulang ay edukasyon dahil gusto nila na hindi kami matulad nila na hindi makapagtapos ng pag-aaral. Kaya nagpupursigi talaga aq makapagtapos ng pag-aaral para makatulong ako sa aking magulang at makaahon kami sa aming kahirapan.
Ang masasabi ko sa lahat ng mga bata tulad ko huwag nating sayangin ang mga ibinigay na oprtunidad na tayo ay makag-aral upang paglaki natin hindi natin pagsisihan na tayo ay maghihirap. Kaya mag-aral kayo ng mabuti upang paglaki ninyo ay may maganda kayong kinabukasan. Ang payo ko sa lahat ng mga bata mag-aral kayo ng mabuti para matulungan ninyo ang inyong mga magulang para makaahon kayo sa kahirapan. Tulungan ninyo ang inyong magulang dahil alam ko nahihirapan na sila, kahit nahihirapan na sila nagpupugsigi lang talaga sila sapag tratrabaho upang may makain kayo araw-araw at matustusan nila ang inyong pangangailangan araw-araw sa inyong pag-aaral para makatapos lang kayo. Kaya huwag ninyo talagang sayangin ang opurtunidad na ibinigay ng inyong mga magulang. Kaya mga bata tulungan ninyo ang inyong mga magulang para kaayo ay makaahon sa kahirapan dahil kayo ang susi ng tagumpay sa ating bansa...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento