Alam ninyo ba kung bakit naghihirap ang mga tao dito sa Pilipinas ? Bakit kaya ? Ang kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga pagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa sa ibang mga tao sa loob ng lipunan o bansa. Sa panahon ngayon may marami ng mga tao ang naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho at dumadami na rin ang ating populasyon kaya tayong mga Pilipino ay naghihirap. Ang kahirapan ay isa sa problema ng ating bansa dahil unting-unting dumadami ang populasyon. Hindi naman tayo maghihirap kung ang mga Pilipino ay nag-aaral ng mabuti at nagtyatyagang maghanap ng trabaho. Marami ding mga bata sa ating bansa ay hindi nag-aaral dahil sa kawalan ng pera at kawalan ng pagkain. Naghihirap din ang mga tao dahil sa kawalan ng trabaho kaya ang iba ay nakatira nalang sa lansangan ulang sila ay makapanglimos upang may makain araw-araw. Ang ibang mga bata din ay nagpapalimos sa kalye minsan naghahanap nalang sila ng trabaho kahit bata pa sila magulang may makai...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento